YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, October 22, 2015

Operasyon ng mga sea sports activities sa Boracay, ibinalik na matapos tanggalin ang Gale Warning

Posted October 22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for sea sports activities in BoracayTuluyan ng lumabas ang bagyong Lando sa bansa dahilan para tanggalin ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) ang gale warning sa Aklan.

Dahil dito ibinalik na rin ng Philippine Coastguard-Boracay ang lahat ng operasyon ng sea sports activities sa Bulabog beach.

Ayon kay PO3rd Ryan Ortega ng PCG-Boracay, naibalik na umano kahapon ang naturang mga activities sa nasabing lugar maliban na lamang sa parasailing dahil sa nagbabadya parin ang malakas na hangin.

Sinabi din nito na kung tuluyan ng magiging maganda ang panahon at wala na ang Habagat ay ibabalik na rin sa front beach ang lahat ng water sports activities.

Nabatid na isang linggong pinagabawalang maglayag ng PCG-Caticlan ang mga maliliit na sasakyang pandagat maliban na lamang sa mga bangkang biyaheng Boracay.

Sa kabilang banda naitala naman ang 21 near drowning incident sa Boracay sa panahon na nanalasa si bagyong Lando sa Luzon at Metro Manila dahil sa lakas ng hangin at alon.

No comments:

Post a Comment