Monday, October 19, 2015

DTI Aklan, nagsisimula ng mag-monitor sa presyo ng kandila para sa Undas

Posted October 19, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Image result for Kandila sa UndasNagsisimula na ngayong mag-monitor sa presyo ng mga bilihin partikular sa kandila ang Department of Trade and Industry (DTI) Aklan.

Itoy dahil sa nalalapit na ang Undas ngayong Nobyembre 1.

Nabatid na sa susunod na linggo ay bahagyang tataas ang presyo ng mga kandila, gayundin ang mga bulaklak ayon kay DTI Aklan Provincial Director, Diosdo Cadena Jr.

Maliban dito nag-paalala naman si Cadena sa mga mamimili na mag-ingat sa pagbili ng mga kandila na nakakalason at mataas ang mechanical lead.

Samantala wala pa namang nararanasang pag-galaw ng presyo ng mga bulaklak sa bayan ng Kalibo ngunit inaasahan ang pagtaas nito sa susunod na linggo.

No comments:

Post a Comment