Wednesday, October 21, 2015

Boracay Holy Parish Church, nagbigay ng mensahe tungkol sa isyu sa Puka Beach

Posted October 21, 2015

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for holy rosary parish church boracayNagbigay ngayon ng kanyang mensahe si Father Nonoy Crisostomo ng Boracay Holy Parish Church tungkol sa isyung bibilhin ang Puka Beach sa Brgy. Yapak sa isla ng Boracay.

Sa panayam ng himpilang ito kay Father Crisostomo, sinabi nito na mayroon umanong grupong Taiwanese national na gustong e-develop ang nasabing beach.

Bilang pagpapakita ng pagmamahal sa isla at sa Forest area hindi pabor si Crisostomo na galawin ang Puka Beach dahil sa mga natitirang nakatayong puno doon na siyang nagproprotekta sa pagbaha sa isla lalo na sa Brgy. Yapak.

Maliban dito, pag-ginalaw umano ang mga puno doon ay wala ng matitirahan ang mga paneke (bat) na siyang nakakatulong sa pagdami ng pagtubo ng mga punong kahoy dahil sa kanilang kinakaing prutas.

No comments:

Post a Comment