Tuesday, October 20, 2015

Operasyon ng ATV sa Boracay nakatakdang inspeksyonin ng SB Malay bukas

Posted October 20, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Image result for ATV SA BORACAYNakatakdang magsagawa ng inspeksyon ang Sangguniang Bayan ng Malay sa operasyon ng lahat ng All Terrain Vehicle (ATV) sa isla ng Boracay bukas.

Ito’y matapos madiskobrehan ang talamak na insidente na kinakasangkutan ng mga turista sakay ng nasabing vehicle.

Sa 37th Regular SB Session ng Malay ngayong Martes, muling napag-usapan ang operasyon ng ATV kung saan napag-alaman na marami palang naitalang blotter report ang Boracay PNP dahil sa hindi maayos na operasyon nito.

Nabatid na ilan umano sa mga ATV ay hindi na ligtas gamitin gayon din ang area kung saan ginagawa ang aktibidad dahil sa dilikadong daanan sa likurang bahagi ng isla ng Boracay.

Samantala, kabilang sa magsasagawa ng inspeksyon bukas ay ang Malay Transportation Office kasama ang lahat ng opisyal ng Sangguniang Bayan ng Malay.

No comments:

Post a Comment