Posted October 19, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Umabot sa dalawamput isa ang naitalang near drowning
incident sa isla ng Boracay sa loob lamang ng tatlong araw simula nitong Sabado
hanggang kaninang umaga.
Ito’y base sa record ng Philippine Red Cross
Boracay-Malay Chapter kung saan sampung mga lifeguard ang nakapagligtas sa mga
biktima kasama ang tatlong volunteers.
Nabatid na karamihan sa mga biktima ay Korean Nationals
at mayroon ding mula sa Iloilo at Bacolod kung saan ang pinakabata ay may edad
sampu at ang pinakamatanda naman ay nasa 60-anyos.
Ilan sa mga biktima ay nailigtas sa bahagi ng station 1,
2 at 3 kung saan madami din sa mga muntikang nalunod ay nasagip sa harapan ng
La Carmela Boracay.
Napag-alaman na ilang araw ng hinahagupit ng malakas na
alon ang isla ng Boracay dulot ng bagyong Lando ngunit marami paring mga
turista ang naliligo.
Samantala, ang mga lifeguard na nakapaglitas sa mga
biktima ay sina Hermojenes Canyeso, Francis Tapuz, Mervin Tapuz, Jemelon Maminggin,
Rufino Magallano, Russel Gelito, Rex Dugang, Jaimel Degus, Kent Rodaste at
Gilbert Dugang habang ang tatlong volunteers naman ay sina Ronal Venancio,
Rowen Tugo at Alex.
No comments:
Post a Comment