Monday, October 19, 2015

Biometrics Registration muling binuksan ng COMELEC hanggang sa Oktobre 31

Posted October 19, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for comelec biometricsMatapos ang isang linggong filing ng Certificate of Candidacy ng mga kandidato sa 2016 elections muli na ngayong tumatanggap ang COMELEC ng mag-paparehistro sa Biometrics.

Ayon kay Atty. Ian Lee Ananoria, provincial election officer ng Aklan, bukas umano ng 12 oras ang bawat tanggapan ng COMELEC para bigyang daan ang mga magkakaroon ng transaksyon para sa nalalapit na 2016 elections.

Dagdag nito na inaasahan nila ang mga magpapa-biometrics, magpapa-transfer o magpapa-ayos ng kanilang voter entries.

Sinabi pa nito na ang COMELEC office umano ay bukas simula alas-8 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi o alas-9 ng umaga hanggang alas 9-ng gabi.

Samantala, magtatapos naman ang registration sa Oktobre 31 araw ng Sabado ngayong taon at ang walang biometrics ay hindi mabibigyang pagkakataong makapag-boto sa May 9, 2016 elections.

No comments:

Post a Comment