Monday, October 19, 2015

Cawaling-Yap maghaharap sa pagka-alkade ng Malay

Posted October19, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Naghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si dating Malay Mayor Ceciron Cawaling nitong Miyerkules.

Kasama sa grupo o slate ni Cawaling ay si Vice Mayor Wilbec Gelito at mga incumbent SB Members na sina Natalie Cawaling Paderes, Fromy Bautista at Paterno Sacapao.

Tatakbo din bilang Sangguniang Bayan Members sina Datu Yap Sumndad, Manoc-manoc Kagawad Edwin Martin, Ralph Tolosa, Motag Barangay Captain Nenette Graf, at Cubay Sur Barangay Captain Niel Quintin.

Ayon kay Cawaling, ang nag-udyok umano sa kanya para sumabak muli sa pulitika ay gusto niya umano na muling magkaisa ang mga taga-Malay na salungat sa nangyayari sa kasalukuyang administrasyon.

Dagdag pa nito na kailangan na kasama umano ang masa o mahihirap sa pag-asenso ng Boracay.

Bagamat kapamilya din niya ang kanyang makakatunggali, sinabi nito na minsan hindi maiiwasan ang ganitong pangyayari sa larangan ng pulitika.

Makakaharap ni Cawaling si Malay Mayor John P. Yap na tatakbo para sa kanyang huling termino.

Matatandaang si Cawaling ay dating alkalde ng Malay sa tatlong termino noong taong 2001-2010.

No comments:

Post a Comment