Monday, October 26, 2015

PNP-AKG nagsagawa ng Anti-Kidnapping Seminar para sa Boracay Community



Posted October 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for anti kidnapping groupMahigit sa isang daan partisapanti sa isla ng Boracay ang dumalo sa isinagawang Anti-Kidnapping Seminar ng Boracay PNP at ng Anti-Kidnapping Group nitong nakaraang araw.

Dito napakaloob ang tungkol sa Lecture on Security Awareness/Role of the Community in Kidnap for Ransom Prevention.

Layun naman ng nasabing seminar na masigurong ligtas ang mga turista sa bansa partikular sa Visayas at sa isla ng Boracay laban sa laganap na kidnapping sa ibat-ibang panig ng bansa.

Samantala, kabilang din sa mga naging topiko sa seminar ay tungkol sa background ng PNP-AKG, The Law on Kidnapping, Trends in Kidnapping, Modus Operandi, Detecting Kidnappers/Suspicious Persons, KFR Group Targets and Categories of Kidnappers, Detecting Safe Houses, Preventive Tips (Education for Prevention, Community Responsibility), Advantages of reporting/Disadvantages of not reporting of kidnapping incidents to police authorities.

Nabatid na ang naturang seminar ay pinangunahan ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group – Visayas Field Unit sa pakikipagtulungan sa Local Government Unit ng Malay.

No comments:

Post a Comment