Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Idadaan ng mga Environmental Concern Group ang kanilang
panawagan sa pagsalba ng Boracay sa pamamagitan ng candle lighting.
Ito ay pinangunahan ng mga ilang residente at grupo na
may layuning maisalba ang isla ng Boracay sa patuloy na pag-overdevelop nito.
Ayon kay Father Nonoy Crisostomo ng Boracay Holy Rosary
Parish Church, ito umano ay ginawa para isalba at bigyan ng halaga ang isla ng
Boracay lalong-lalo na ang natitirang Forest Area.
Nabatid na ito ay idinaraos tuwing araw ng Huwebes alas-6 ng hapon sa
Willys Rock Station 1 Brgy. Balabag isla ng Boracay.
Samantala, hinikayat naman ni Father Crisostomo ang mga
tao sa Boracay na maki-bahagi sa gagawing candle lighting para maipakita ang pagmamahal at pagmamalasakit sa
isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment