Tuesday, October 20, 2015

Mga Force multipliers sa Boracay may bagong ordinansa

Posted October 20, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for mUNICIPAL AUXILIARY POLICE SA BORACAYMay inilabas ngayong bagong ordinansa ang Local Government Unit ng Malay sa pamamagitan ng Boracay Action Group (BAG).

Ayon kay Municipal Chief Tourism Operations Officer Felix Delos Santos na siya naman ngayong itinalagang Supervising Officer ng BAG Peace and Order Safety for Boracay Beach Front, ibabalik na umano sa kanilang area ang Municipal Auxiliary Police (MAP).

Sinabi nito na ang Tourism Regulatory Enforcement Unit (TREU) ay mag-ooperate na sa beach front kasama ang Boracay Police, SALAAM at Philippine Army.

Samantala, layun ng ordinansa na matutukan ng mga multipliers ang kailang area sa pagpapatupad ng seguridad sa buong isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment