Wednesday, October 21, 2015

7-anyos na bata sugatan matapos, mahagip ng motorsiklo

Posted October 21, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay


Image result for blotter reportSugat sa ibat-ibang parti ng kanyang katawan ang inabot ng 7-anyos na batang babae matapos itong mahagip ng motor sa Sitio Hagdan Brgy. Yapak Boracay kahapon.

Nakilala ang biktimang si Key Heart Prado, residente din ng nasabing lugar.

Ayon sa Ama nitong si Warren Prado sa Boracay PNP, habang papunta umano ang kanyang anak sa paaralan ay aksidente itong nahagip ng isang red Honda XRM motorcycle na menamaneho ni Alias “Bucay” Bernardo.

Nabatid na nagpagulong-gulong ang biktima sa kalsada dahilan para magtamo ng mga sugat sa  ibat-ibang  parti ng kanyang katawan.

Agad naman itong dinala sa isang malapit na pagamutan para malapatan ng gamot habang ang suspek ay mabilis namang lumisan sa lugar sakay ng kanyang motor.

Samantala, ang kaso ay ni-refer na sa Brgy Justice System ng Yapak.

No comments:

Post a Comment