Thursday, March 12, 2015

Mga security guards sa Boracay, ininspeksyon ng SAGU

Posted March 12, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for inspectionIninspeksyon ng SAGU o Security Agencies and Guards Unit ang mga security guards sa Boracay.

Bahagi ito ng nagpapatuloy na Security Guards Visibility Project ng PNP SOSIA o Philippine National Police Supervisory Office for Security and Investigation Agency.

Pero bago paman ang inspeksyon, nagpalabas ng Memorandum ang SAGU para sa mga Private Security Agencies (PSA), Company Guard Force (CGF), at maging sa Government Guard Units (CGU) tungkol sa pagsusuot ng opisyal o prescribed uniform ng kanilang mga guardiya.

Base sa memorandum na naging epektibo nitong March 3, 2015, mahaharap sa penalidad ang mga PSA, CGF, at mismong mga guwardiya na lalabag sa direktiba ng SAGU.

Nabatid na pagmumultahin ng 10, 000 pesos para sa 1st offense, 20, 000 pesos para sa 2nd offense, at 30, 000 pesos o kanselasyon ng lisensya para sa 3rd offense ang mahuhuling lumabag.

Ayon naman kay SAGU Chief-PSupt. Condrado Carganillo, nagpaabiso na rin ito sa mga security agencies dito, isang linggo bago ang inspeksyon.

No comments:

Post a Comment