YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, March 09, 2015

Isa pang na-estafa ng inereklamong contractor sa Boracay, nagpa-blotter sa BTAC

Posted March 8, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for estafaIsa pang negosyante na na-estafa ng inereklamong contractor sa Boracay ang nagpa-blotter sa Boracay PNP.

Ayon sa police report, ang mga inireklamong contractor na sina Edbard Tacuban Gentozala ng Bacolod City at Duane Tacuban Gentozala ng Jaro, Iloilo, at mga architect ng PSA 27 Contsruction Company ang siya ring inireklamo ng isa namang construction at hardware supplier sa Boracay.

Base sa kanyang reklamo, nag-isyu ng P300, 000.00 at P435, 000.00 na tseke ang mga suspek para sa kanilang bayarin nitong nakaraang September 2014 at November 2014.

Nang ipapa-encash na, natuklasan na lamang umano ng negosyante na pawang talbog ang mga nasabing steke at sarado na ang account ng dalawang contractor.

Dahil dito, minarapat niyang pormal na magsampa ng kaso at magpa-blotter sa Boracay PNP.

Magugunitang isa ring negosyante sa Barangay Caticlan ang tinakasan ng mga contractor at inisyuhan ng talbog na tsekeng nagkakahalaga ng P1, 058, 000.00.

No comments:

Post a Comment