Saturday, March 14, 2015

(Update) L300 van na nahulog sa palayan nitong Lunes, nasa kustodiya pa rin ng Numancia PNP

Posted March 13, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Isang settlement ang namagitan sa dalawang driver na nag-agawan ng pasahero sa Tabangka, Numancia, Aklan.

Ito ang kinumpirma mismo ng imbestigador sa kaso na si PO3 Willie Akidado ng Numancia PNP Station.

Subalit sinabi din nito na nanatili parin sa kanilang kustodiya ang van na nahulog sa palayan na minamaneho ni Ernesto Wares.

Ito’y dahil sa hindi pa umano natatapos ang imbestigasyon tungkol dito.

Kaugnay nito, nilinaw din ni Akidado na nasa parehong kooperatiba ng CBTMPC ang dalawa.

Magugunita na nagalit ang driver na si Ernesto Wares sa driver na si Abraham Tabasa, matapos na pinik-up umano ng huli ang isang pasahero sa Pob. Numancia Aklan na papasakayin din sana ni “Ernesto”.

Dahil sa galit, dinikitan ni “Ernesto” si “Abraham” at sinunggaban, subalit nawalan ito ng kontrol at dumausdos ang kanyang sasakyan sa palayan, dahilan upang magkaroon ng ilang minor injuries ang apat nitong pasahero.

No comments:

Post a Comment