Wednesday, March 11, 2015

Beach ng Boracay, ligtas parin para sa publiko - DENR

Posted March 11, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image result for denr boracayAtensyon sa lahat ng mga may balak magbakasyon sa isla ng Boracay!

Nilinaw ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ligtas parin para sa publiko ang beach ng Boracay sa kabila ng pagsabog ng balita tungkol sa Coliform.

Ayon kay Aklan Provincial and Natural Resources Officer Ivene Reyes.

Ipinaliwanag mismo ito ni DENR Environmental Management Bureau OIC Regional Director Jonathan Bulos sa isang technical conference, kung saan base sa kanilang pag-aaral, pasok sa standard at ligtas maligo ang lokal at dayuhang turista sa beach front ng isla.

Dumalo din umano sa nasabing pagpupulong ang Boracay Island Water Company (BIWC) kung saan ipinahayag din ng mga ito na mayroon na umano silang remedial measures sa ilang problema sa back beach.

Samantala, magugunita na naalerto ang publiko tungkol sa kumalat na balitang nagkaroon ng Coliform bacteria ang tubig ng Boracay.

Dahil dito, kaagad ding nakipagtulungan ang pamahalaang probinsyal ng Aklan sa DENR upang pag-aralan ang nasabing isyu.

No comments:

Post a Comment