Wednesday, March 11, 2015

Silid-aralan ng BNHS, madadagdagan na

Posted March 11, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Magandang balita sa mga mag-aaral ng Boracay National High School!

Madadagdagan na ngayon ang inyong mga silid-aralan.

Ayon kay BNHS Principal II Jose Niro Nillasca, magkakaroon ang paaralan ng dagdag na 2-storey- 2 classroom building na pinondohan ng Special Educations Fund (SEF) ng LGU Malay.

May 2-storey- 6 classrooms na pinondohan naman ng Department of Education (DepEd), na ginawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH)  at nasa flooring stage na sa ngayon.

Anya, matagal na ring nakahanda ang 980 thousand pesos na budget para dito at inaasahan na magagamit na ang Phase 1 rito sa S.Y 2015-2016.

Samantala, magugunita naman na nitong nakaraang taon ay naglunsad ng Recrafting School Improvement Program Plan ang BNHS.

Nabatid kasi na ang nasabing paaralan ay kulang ng anim na silid aralan, Library at walang sapat na tubig at comfort rooms.

Base sa record, ang BNHS ay may kabuuan ngayon na 19 na silid-aralan mula sa Grade 7 hanggang Senior High School.

Maliban sa pagdaragdag ng mga classrooms, nabatid na ipaayos din ang ilang sirang silid-aralan ng BNHS.

No comments:

Post a Comment