Posted March 10, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Tatlo mula sa 17 bayan sa Aklan na sinalanta ng
bagyong Yolanda ang nabigyan na ng financial assistance.
Ayon kay Provincial Social Welfare &
Development Office Department Head Evangelina Gallega.
Kabilang na umano rito ang bayan ng Kalibo, kung
saan mga partially damage pa lamang ang nabigyan, totally sa Libacao habang
partially at totally naman sa New Washington.
Anya, ang nasabing halaga ay binubuo ng financial
grant at mga donasyon, mula sa gobyerno ng Pilipinas at ibinibigay naman sa mga
lokal na pamahalaan na syang magbibigay ng cash sa mga nasalanta.
Samantala, humiling naman ng pag-unawa si Gallega sa
publiko kung bakit may kabagalan ang pagbibigay sa iba pang bayan dahil sa inaantay
pa umano itong i-download sa opisina ng ingat yaman.
Kaugnay nito, nabatid naman na sang-ayon sa
Kagawaran ng Pananalapi, halos 53 porsiyento ng P199.49 bilyon ang nagugol na
sa iba-ibang nga programa, gawain at proyekto sa mga pook na sinalanta ng
Yolanda sa Pilipinas.
No comments:
Post a Comment