Posted March 11, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Sa ilang lugar sa mainroad, kapansin-pansin ang
pag-inspeksyon at pagsugat sa distansya ng establisemyento o istraktura mula sa
gitna ng kalsada at ang pagpapadala ng mga notices.
Kaugnay nito, magugunitang kampante ang ilang
opisyal ng Malay at Boracay sa ipinakitang pag-comply o pagsunod ng karamihan
sa mga maapektuhan ng nasabing road set back.
Isa lamang si Rufina ‘Pines’ Villaroman sa mga
negosyanteng nagpahayag ng kusang pagsunod dito.
Magkaganon paman, hindi nito naitago ang saloobin
kaugnay sa set back.
Samantala, nabatid na maliban sa kusang pagdemolish
ng kanilang istraktura o gusaling tatamaan ng easement.
Nabatid na nagkaroon ng ‘swapping’ sa gigibaing
istraktura ang ilang property owner sa mainroad kung saan, sa ibang bahagi na
lamang ng kanilang gusali ang gigibain sa halip ng may direktang tatamaan ng
pagdemolish.
No comments:
Post a Comment