Tuesday, March 10, 2015

Construction worker, kulong matapos hampasin ng steel bar ang katrabaho

Posted March 9, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image result for police blotterKulong ang inabot ng isang construction worker matapos hampasin ang katrabaho sa construction site sa Barangay Yapak.

Base sa police report ng Boracay Tourist Assistance Center, nakaupo ang 21 anyos na biktimang si Nomer Magura sa hagdan ng kanilang ginagawang gusali nang bigla umano itong hinampas ng steel bar sa ulo ng lasing na suspek na si Jose Pring Ascaño.

Dahil dito, nahilo ang biktima sa dalawang beses na hampas ng suspek gamit ang 20 pulgadang steel bar kung kaya’t isinugod ito sa ospital.

Samantala, kaagad naaresto ang suspek at ikinulong sa lock-up cell ng Boracay PNP Station.

Wala namang nakikitang motibo ang mga pulis sa kaso at posibleng napag-tripan lamang umano ng suspek ang biktima dahil sa sobra nitong kalasingan.

No comments:

Post a Comment