Friday, March 13, 2015

Boracay tinanghal bilang favorite beach destination ng Malaysia tourism fair

Posted March 13, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Isa na namang karangalan ang nakuha ngayon ng isla ng Boracay.

Itinanghal kasi ito bilang Favorite Beach Destination 2015 ng Malaysian Association of Tour & Travel Agents (MATTA).

Nabatid na ito’y inanunsyo ng MATTA sa isang press conference nitong Marso 9 kaugnay sa kanilang taunang fair ngayong araw hanggang bukas sa Putra World Trade Center sa Kuala Lumpur.

Ayon naman kay Philippine Embassy MATTA organizing committee chairman S. Jayakumar, ang Boracay white sand beach umano at ang Pilipinas ay mayaman sa natural resources at biodiversity.

Pinasalamatan naman ni Ambassador J. Eduardo Malaya ang Malaysians para sa rekognisyong ito kung saan ang Malaysia umano ay ang ika-siyam na pinakamalaking tourist market nitong 2014 na may 27.24-percent increase sa tourist arrivals ng Pilipinas.

Dagdag pa nito na malaki umanong karangalan sa bansa na madiskubre ang Boracay dahil sa pristine white sand nito at nakakamanghang baybayin na nakakapukaw atensyon sa mga bisita para sa kanilang nature-tripping.

Samantala, ito ang ika-apat na pagkilala sa Boracay ngayong taon kung saan nakuha nito ang mga parangal ngayong lamang Pebrero bilang 2015 best beach in Asia, number 7 best beach in the World at 2015 World's 2nd Best Beach for Partying.

No comments:

Post a Comment