Posted March 13, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Kasabay nito, ipinag-utos na ni Malay Mayor John
Yap ang paghuli sa mga sasakyang walang mayor’s permit at sticker sa
pamamagitan ng Memorandum Order No. 2015-14.
Bahagi umano ito ng epektibong transport and
traffic management sa territorial jurisdiction ng Malay.
Base sa memorandum na naging epektibo nitong March
1, 2015.
Mahaharap sa karampatang penalidad ang sinumang
mahuli na walang kaukulang dokumento ang kanilang mga sasakyan.
Kaugnay nito, inatasan ng alkalde ang Malay PNP,
Boracay PNP, LGU-Malay Transportation Regulation Office, Malay Municipal
Auxiliary Police na ipatupad ang kautusan.
Samantala, kasunod ng memorandum, ipinabatid naman ng Malay
Transportation Office o MTO na mag-iisyu sila ng bagong Traffic Violation
Ticket sa mga mahuhuling violators.
Ipinaalala din ng MTO ang pagpapatupad kaugnay sa
paglalagay ng taripa, pagsuot ng uniporme at sitting capacity sa mga tricycle
at pampublikong E-Trikes.
No comments:
Post a Comment