Wednesday, March 11, 2015

Boracay PNP, isinailalim sa ‘Oplan Hilamos’ ng PRO6

Posted March 11, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for oplan hilamos pnpInaasahang mas gaganda at magiging malinis nang tingnan ang Boracay PNP Station.

Sinimulan na rin kasing kumpunihin at pinturahan ang mga sirang kisame at pintuan nito.

Ayon kay Boracay PNP OIC PSInsp. Frensy Andrade, proyekto ni PRO 6 Director PCSupt. Josephus Angan na tinatawag ding ‘Oplan Hilamos’.

Ayon pa kay Andrade, bahagi parin ito ng paghahanda para sa nalalapit na APEC Ministerial meeting kung saan hindi lamang ang Boracay PNP kundi maging ang iba pang municipal police station ang isinailalim dito.

Sinabi pa ni Andrade na galing sa PNP National Headquarters ang budget para sa ‘Oplan Hilamos’.

Maliban sa Boracay PNP na tinatayang matatapos bago ang buwan ng Mayo, nabatid na kukumpunihin din ang Cagban PNP Station.

No comments:

Post a Comment