YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, March 11, 2015

Nasa 30 Muslim vendors na dating naglalako sa beach, nabigyan na ng pwesto sa “Tourist Center”

Posted March 10, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for vendors in BoracayNasa 30 Muslim vendors na dating naglalako sa beach ang nabigyan na ng pwesto sa “Tourist Center”.

Kaugnay ito sa plano ng LGU Malay na hanapan ng lugar para makapagtinda ang mga kapatid na Muslim vendors sa isla nang simulang ipatupad ang 25+5 meter easement.

Kasama na rin kasi sila sa mga tuluyang pinagbawalang maglako sa beach area.

Kasabay nito, binisita at aming nakapanayam nitong hapon ang mga nasabing vendors sa station 3, sa unahan lang Boracay PNP.

Ayon sa isang Muslim vendor na dating naglalako sa ‘baybay’ o beach.

“Pasuwertehan lang ang kanilang kinikita, ngayong nasa “Tourist Center” na sila.

Samantala, sinabi pa nito na naghahangad din umano sila na matulungan ng LGU Malay para magkaroon ng mas na mainam na lugar para makapagbenta.

No comments:

Post a Comment