Posted March 14, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isang ordinansa ang nilagdaan ni Malay Mayor John Yap,
upang ma-protektahan ang kalikasan lalo na ang mga ilog sa bayan ng Malay.
Ito ay ang Municipal Ordinance 198 kung saan mahigpit na
ipinagbabawal ang pagtatayo ng ano mang structures o bahay limang metro mula sa
ilog kasama na ang mga estero, lakes o lagoon sa huridikasyon ng Malay.
Sa ginanap na Symposium day of action river sa Boracay
kahapon dito ibinahagi ng Task Force Bantay Kalikasan ng LGU Malay kasama ang
Environmental Management Bureau (EMB) sa lahat ng mga dumalong Brgy. Officials ang
kahalagahan ng ilog.
Ayon kay Mayor Yap dapat umanong ingatan at alagaan ng
bawat isa ang ilog sa Malay para sa kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.
Nabatid naman mahaharap sa ibat-ibang parusa ang sino mang
lumabag sa nasabing setback katulad na lamang ng pagbayad ng penalidad na
nagkakahalaga ng P2, 500, tatlong buwang pagkakulong o anim na buwan dependi sa
desisyon ng hukuman o pag-demolish ng kanilang structures.
Kaugnay nito isang Tree planting activity ang ginagawa
ngayong araw ng mga Brgy. Officials ng Malay bilang pakikiisa sa International
Day of Actions for Rivers ngayon buwan ng Marso.
No comments:
Post a Comment