Tuesday, March 10, 2015

(Update) MAP Boracay, iginiit ang ordinansa kaugnay ng mga aktibidad sa white beach

Posted March 10, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for volleyball in boracayIginiit ngayon ng MAP Boracay ang ordinansa kaugnay ng mga aktibidad sa white beach ng isla.

Inalmahan kasi at umani ng batikos mula sa mga Boracaynong netizens ang report tungkol sa reklamo ng ilang naglalaro ng volleyball sa beach ng station 1 nitong nakaraang linggo.

Ayon kay Municipal Auxiliary Police-Boracay Deputy Chief Rodito Absalon Sr., nakasaad sa Municipal Ordinance No. 2000-132 na kailangang ipreserba ang white beach portion ng Boracay para mapanatili ang kalikasan at kagandahan nito.

Polisiya o batas ng munispyo ng Malay na ireserba ang white beach portion para sa mga turistang gumastos ng pera para mag-enjoy, magrelax at maranasan ang tinatawag na tropical ambiance ng isla.

Samantala, aminado naman si Absalon na sumama ang kanyang loob sa mga naging komento sa kanila ng mga netizens.

Magkaganon paman, umapela ito sa lahat ng mga Boracaynon na tulungan sila sa pagpapaunawa sa mga turista sa anumang ipinapatupad na ordinansa.

Hinimok din nito ang sinumang may reklamo sa MAP kaugnay sa kanilang pamamaraan ng pagpapatupad ng batas na makipag-usap sa kanya upang maaksyunan.

Magugunitang inireport sa himpilang ito ng mga sinitang nagba-volley ball ang mga MAP dahil sa tila hindi makatarungang pagsita sa kanila.

No comments:

Post a Comment