YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, November 05, 2016

DOLE Usec. Say pinangunahan ang ENDO Seminar sa Boracay

Posted November 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Sa layuning maisakatuparan na ang pagbabawas sa nakasanayang “endo” ngayong taon, tinalakay ni Usec. Dominador Say ang “ENDO” o (end of contractualization) at Sub-Contracting Work Arrangement sa mga Stakeholders, employer at mga empleyado ang tungkol sa usaping ito.

Sinabi nito na dapat ang mga empleyado umano ay dapat may “Security of Tenure” o kasiguraduhan pagdating sa kanilang trabaho.

Aniya, ang “ENDO” o (end of contractualization) ay dapat na umanong wakasan sa ating bansa.

Sinabihan nito ang mga employer na wag na umano nilang hintayin pa na ang DOLE ang magsabi sa kanila o sampahan ng kaso ang employer na dapat na umano nilang i-regular ang matagal na nilang empleyado na hindi pa nari-regular.

Napag-alaman na ang mga 6 months provisionary na empleyado ay dapat ng inoobserbahan ng kanilang mga employer kung sila ay pwedeng mai-regular dahil kung hindi naman umano ay dapat na itong tanggalin na hindi na lalagpas sa anim na buwan niyang kontrata.

Kaugnay nito, itong memorandum na nagbibigay direktiba sa regional offices ng DOLE ay upang masimulan na ang paglilinis sa mga kumpanya na nakasanayan na ang “endo” employment.

Samantala, dinaluhan naman ito ng 299 na mga employer at mga empleyado na nagtatrabaho sa hotel, spa, sports activity at iba pang mga establisyemento sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment