Wednesday, November 02, 2016

Janitor patay matapos malunod sa ilog sa Nabas, Aklan

Posted November 2, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for nalunodPatay na ng matagpuan ang isang 65-anyos na Janitor matapos itong malunod sa ilog sa Barangay Unidos bayan ng Nabas.

Ayon kay PO3 Remos Ramon Sandig ng Nabas PNP, kinilala ang nalunod na biktima na si Perdo Sibulan, residente ng naturang lugar at nagtatrabaho bilang Janitor sa simbahan.

Base umano sa kanilang blotter report nakita nalang umano na palutang-lutang na ang biktima sa ilog at wala ng buhay.

Nabatid na paralisado ang kaliwang kamay ng biktima at meron itong sakit na epilepsy kung saan ito umano ang itinuturong dahilan kung bakit ito nalunod habang naliligo sa ilog.

Kaugnay nito, patuloy parin ang ginagawang imbestigasyon ng Nabas PNP sa nangyaring insedente.

No comments:

Post a Comment