Monday, October 31, 2016

Dengue sa Aklan, tumaas ng 63% -PHO

Posted October 31, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for DenguePatuloy umano ngayong tumataas ang kaso ng dengue sa probinsya ng Aklan kung saan umabot ito ng 63%.

Ayon kay Provincial Health Officer II ng Provincial Health Office Dr. Vic Sta. Maria, ito umanong record nila ng kaso ng dengue sa probinsya ay base sa sampung buwan ngayong 2016 at noong nakalipas na taon sa magkaparehong period.

Batay sa naitalang record ng Provincial Health Office, umabot sa 1,342 mula Enero hanggang Oktobre 13 ngayong taon ang naitalang kaso ng dengue mas mataas sa  822 dengue cases na nailista noong nakaraang taon sa magkaparehong buwan.

Nabatid na sa fourth quarter ngayong  taon ay bumaba ang kaso ng dengue sa probinsya dahil hindi na umano maulan.

Sa kanilang pinakahuling monitoring, ang Kalibo ang may pinakamataas na naitalang kaso ng dengue na umabot sa 286 sinundan naman ito ng Malay na may  123, Banga na may 98 at Ibajay na may naitalang 95 na kaso ng dengue.


Samantala, upang maiwasan ang pagkakaroon ng dengue virus, payo ng PHO sa publiko, na gawin ang 4'o clock habit kabilang na ang paglilinis sa paligid na posibleng tirahan ng mga lamok.

No comments:

Post a Comment