Monday, October 31, 2016

Malay SB member Pagsuiron pabor sa pag-legalize sa mga commissioner sa Boracay

Posted October 29, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ikwininto ni SB member Dante Pagsuguiron sa programang Boracay Good News ng YES FM Boracay na meron umanong lumapit sa kanya at nagsabi na e-legalize  ang mga commissioner sa Boracay.

Si SB Pagsuguiron na Chairman ng Committee on Tourism ay pabor umano sa planong ito sa kabila ng madaming problema at reklamo ang kanilang natatanggap laban sa mga commissioner.

Dahil dito dadaan pa umano ito sa mga proseso o mahabang pag-uusap dahil na rin sa ang commissioner sa Boracay ang siyang malaking problema ng mga kapulisan at ng Department of Tourism dulot sa kanilang ginagawang panluloko sa mga turista.

Sakaling maging legal naman ang mga ito ay tiyak na mabibigyan na ng sapat na kaukulang penalidad ang mga mananamantala sa mga turista dahil makilala na ang mga ito bawat isa.


No comments:

Post a Comment