Thursday, November 03, 2016

Habal-habal driver, kalaboso sa buybust operation

Posted November 3, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for buybustKalaboso ang isang habal-habal driver sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga pulis sa Lezo, Aklan.

Kinilala ang naarestong suspek na si Geron Icamina y Taran, 22-anyos, residente ng Barangay Bugasongan, Lezo.

Nahuli ang suspek sa pinagsamang pwersa ng Lezo PNP at Provincial Anti Illegal drugs Special Operation Task Group kung saan nabilhan ito ng isang sachet ng suspected shabu kapalit ng isang libong piso na marked money matapos itong maghatid ng pasahero sa sementeryo ng naturang lugar.

Nabatid, na sumuko na ang suspek sa Lezo PNP dahil sa paggamit at pagbebenta nito ng droga.

Samantala, itinanggi naman nito na nagbenta siya ng iligal na droga matapos itong mahuli ng mga pulis.

Sa ngayon ang suspek ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o dangerous drugs act of 2002.

No comments:

Post a Comment