Saturday, November 05, 2016

Proyekto ng DPWH ngayong taon sa Aklan, minamadali ng matapos

Posted November 6, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for dpwhMinamadali na umano ngayong tapusin ng DPWH o Department of Public Works and Highways ang kanilang mga proyekto ngayon taon sa probinsya ng Aklan.

Ayon kay DPWH-Aklan District Engineering Office De Noel Fuentebella, nais nilang matapos ito sa lalong madaling panahon kahit na ang ilan ay medyo na delay sa deadline na itinakda.

Aniya, makikita naman umano sa mga lugar na kanilang sinimulan at ipinaayos ang development nito partikular umano dito ang road widening sa probinsya.

Samantala sinabi pa nito na malapit na umanong matapos ang ospital na pinapagawa sa likod ng Health Center sa Balabag subalit bahagya muna itong itinigil dahil meron pa silang inaayos sa lugar.

Sa kabila nito, sa susunod na taong 2017 ay prayoridad parin nila ang road widening project sa probinsya kung saan nagsisimula narin umano sila ngayon sa kanilang ini-implementang proyekto kung saan kung ito ay maaaprobahan ay kanila itong pag-uusapan ngayong buwan.

No comments:

Post a Comment