Saturday, November 05, 2016

Isa sa mga nabiktimang restaurant ng Prank Caller sa Boracay, nagreklamo sa mga pulis

Posted November 6, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for prank callerMinabuting inireklamo ngayon ng isa sa mga restaurant sa Balabag sa Boracay PNP ang kanilang hinaing  matapos itong mabiktima ng Prank Caller nitong Huwebes ng hapon.

Sa blotter report ng Boracay PNP, nag-order  sa kanila itong si certain Jupiter ng 6 box ng pizza na nagkakahalaga ng P3, 490 kung saan kanila itong idi-deliver sa Aksyon Center sa Balabag.

Kaugnay nito, nag-instruct pa umano ang suspek sa kanilang delivery personnel na magdala ng P2, 510 na panukli. At nang kanya na itong idi-deliver ay tumawag ulit ang suspek at pinabili ito ng apat na litrong coke at naki-usap pa itong loadan ng P 2, 300 na kanya namang nilodan.

Samanala, ng makarating na ito sa Barangay Hall ng Balabag ay nagulat nalang ito na wala naman palang certain Jupiter na nag-order sa kanila.

Minabuti naman itong i-report ng management ng restaurant upang malaman ng tao na merong ganitong modus sa Boracay.

No comments:

Post a Comment