Thursday, November 03, 2016

Habal-habal driver at Pintor sa Boracay, arestado sa magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis

Posted November 3, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for say no to drugsSa kulungan ang bagsak ng habal-habal driver at isang pintor matapos mahuli ang mga ito na umanoy tulak ng droga sa magkahiwalay na buybust operation kaninang madaling araw.

Pasado alas 12:40 kanina ng madaling araw ng maaresto ang suspek na si Ryan Yabut y Dela Cruz, 37-anyos tubong Brgy. Bayanan, Muntinlupa City, isang habal-habal driver sa Sitio Cabanbanan Upper, Manoc-manoc kung saan siya temporaryong nakatira.

Hinuli ang suspek ng Provincial Anti-Illegal Drugs and Special Operations Task Group (PAIDSOTG), Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Maritime Group.
Ang suspek ay sinasabing nabilhan ng dalawang sachet ng suspected shabu kapalit ng P1, 500 na buy-bust money mula sa isang poseur buyer at cellphone na naglalaman ng illegal transaction.

Samantala, isa namang 27-anyos na Pintor ang nahuli sa magkahiwalay na operasyon ng mga nabanggit na grupo at mga pulis sa Sitio Cabanbanan Crossing ng naturang lugar din kaninang ala-1:35.

Kumagat sa inihaing patibong ang target na si Jose Lowies Javier y Alagos ng Hagachac, Makato, Aklan at temporaryong nakatira sa Sitio Lugutan, Manoc-manoc.

Nakuha sa posisyon ng suspek ang isang hinihinalang droga na may kapalit na P 3,000 buy-bust money at  cellphone rin na naglalaman ng mga transaksyon para sa illegal na droga.

Sa ngayon ay nahaharap naman ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002.

No comments:

Post a Comment