Posted October 29, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ito ang sinabi ng
Konsehal sa panayam ng istasyong ito kung saan matagal na rin umanong naging
plano ito ng Sangguniang Bayan ng Malay.
Mahalaga umano na
maisalang sa mandatory drugtest ang lahat ng kanilang empleyado para masawata
ang mga gumagamit ng illegal droga lalo na ngayon at maigting ang kampanya
ng adminstasyong Duterte laban sa illegal drugs.
Ayon pa kay
Pagsuguiron maaari umanong matanggal sa trabaho ang mapapatunayang gumagamit ng
droga kung ito ay casual employee habang sa regular employee naman ay mayroon silang
ginagawang referral o maaaring sanction mula sa Civil Service Commission.
Samantala, ang
resolusyong ito ay inaasahang pag-uusapan muli sa gagawing Session ng
Sangguniang Bayan ng Malay.
No comments:
Post a Comment