Friday, November 04, 2016

Pork Vendor na number 8 High Value Target sa Aklan, nahulihan ng iligal na droga

Posted November 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for buybustHuli sa isinagawang operasyon ng Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (PAIDSOGT) at New Washington PNP ang number 8 High Value Target na isang Pork Vendor sa buy-bust operation.

Arestado ang nakilalang suspek na si Roljun Tejada, 36-anyos at residente ng Brgy. Jalas, New Washington.

Nakuha sa posisyon ng suspek ang isang sachet ng pinaniniwalaang droga na may kapalit na P 1,000 habang sa isinagawa pang body search dito ay nakuhaan pa ito ng dalawang suspected shabu at P 500 na unmarked money.

Ayon kay Police Chief Inspector Jerick Vargas ng New Washington PNP, matagal na umano nilang minaman-manan ang suspek kung saan sinabi nito na hindi lang ang kanilang lugar ang sinusuplayan nito pati na ang ibang bayan sa probinsya.

Nabatid na hindi lang umano illegal na droga ang kinasasangkutan ng suspek kung saan pati na umano ang mga illegal na gawain.

Mahigpit umanong ipinagbabawal ng administrasyong Duterte ang illegal na droga sa bansa kung saan naka-piit at nakatakdang ngayong sampahan ng kaso ang suspek na si Tejada.

No comments:

Post a Comment