Wednesday, November 02, 2016

Commissioner, muling nambiktima ng turista sa Boracay

Posted November 2, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for estafa Isang Commissioner ngayon ang pinaghahanap ng mga pulis matapos na takasan ang turistang Bulgarian National na kumuha sa kanya ng water sports activity sa Sitio Bolabag, Brgy. Balabag.

Sa report ni Todor Georgiev Stoyanov 32-anyos sa Boracay PNP, nag-offer umano sa kanila ang suspek na lalaking commissioner ng island activities kung saan agad naman umano silang nagbayad ng P 3,000.

Subali’t ng sila na umano ay magkikita kahapon para gawin ang kanilang kinuhang sports activity ay tila binago ng suspek ang kanilang pinagusapan kung saan humingi pa ito ng dagdag na bayad sa biktima.

Dahil dito, ikinalungkot ito ng biktima kung saan minabuti nalang nitong ipabalik sa suspek ang kanyang ibinayad na pera.

Kaugnay nito, binigyan umano ng  tatlong oras ng biktima ang suspek na ibalik ang kanyang pera ngunit bigo nitong naibalik sa biktima.

Sa ngayon, ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis para sa ikadarakip ng suspek.

No comments:

Post a Comment