Posted November 2, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Very okay umano
ang paggunita ng Undas sa buong lalawigan ng Aklan base sa rekord ng Aklan
Provincial Police Officer (APPO).
Ayon kay Public Information Officer SPO1 Nida Gregas, nakapagtala
umano sila ng zero related Undas incidents sa probinsya simula noong bisperas
hanggang nitong linggo.
Nabatid na mas pinaigting
pa ang kanilang operasyon kasama na ang iba pang mga law enforcers sa
probinsya.
Samantala,
magpapatuloy pa rin umano ang kanilang operasyon hanggang bukas Nobyembre 3
kung saan naka full alert status parin umano ang lahat ng hanay ng mga
kapulisan sa probinsya.
Samantala, ang
Undas ay isang pista opisyal na malawakang ipinagdiriwang sa Pilipinas upang
magbigay galang at pugay sa mga yumaong mahal sa buhay.
No comments:
Post a Comment