Monday, November 07, 2016

MS Pacific Venus, dadaong sa Boracay

Posted November 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for MS Pacific VenusNgayong araw ng Miyerkules Nobyembre a-nuwebe, nakatakdang dumaong sa isla ng Boracay ang MS Pacific Venus.

Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Jetty Port Administration Caticlan, dadating umano ang naturang cruise ship sa alas-7 ng umaga at magtatagal naman hanggang sa alas-6:00 ng gabi.

Nabatid na ang MS Pacific ay mayroong 190 crew at 220 passengers.

Samantala, susunod naman na dadaong ang barko ay sa Tagbilaran Port at ang huli naman ay sa Kaohsiung.

Kaugnay nito, mahigit dalawampu naman ang inaasahang aakyat ng naturang barko  na kinabibilangan ng Government Officials mula sa probinsya, Department of Tourism, Media at iba pang stakeholders at Department of Tourism (DOT) kung saan isang maiden call ang magaganap para sa  isasagawang plaque of exchange. 

No comments:

Post a Comment