Friday, November 04, 2016

Chinese National, panibagong biktima ng illegal na commissioner sa Boracay

Posted November 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for estafaIsa na namang turistang Chinese National ang nabiktima ng illegal na commissioner sa isla ng Boracay kahapon.

Kinilala sa blotter report ng Boracay PNP ang biktima na si Chen Tao, 33-anyos at nanunuluyan sa isang hotel sa Brgy. Balabag.

Ayon sa salaysay ng biktima sa mga pulis, kumuha umano ito ng water sports activity sa hindi nakilalang commissioner na kinabibilangan ng Island Hopping at Boat Sailing kung saan nagkakahalaga naman ito ng P 7, 800.

Nabatid na matapos umano ang isinagawang Boat Sailing activity ng biktima ay magkikita naman umano sila ng alas- 10 ng umaga kahapon para gawin ang Island Hopping.

Subalit, sa paghihintay umano ng biktima sa kanilang pinag-usapang lugar para gawin ang island activity ay bigong nagpakita ang suspek kung saan labis naman ang pagkadismaya ng biktima dito.

Kaugnay nito, minabuting ini-report ng biktima ang insedente sa Boracay PNP Station kung saan  nagpapatuloy parin sa ngayon ang kanilang imbestigasyon hinggil sa nasabing reklamo.

No comments:

Post a Comment