YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 06, 2016

Turismo, enerhiya at environment isa sa umano sa mga tutukan ni Congressman Marquez

Posted July 6, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Sa kanyang pag-upo bilang bagong Congressman ng probinsya ng Aklan tutukan umano ni Carlito Marquez ang turismo, enerhiya at environment sa lalawigan.

Ito ang sinabi ni Marquez sa kanyang Inaugural speech sa ginanap na Oath Taking at Inaugural Ceremonies nitong nakaraang linggo sa bayan ng Banga.

Ayon sa Congressman, ipagpapatuloy umano nito ang kanyang paglaban sa kahirapan na nararamdaman ng mga Aklanon kasama na ang paghanap ng pondo sa turismo, enerhiya at environment.

Maliban dito hinamon din nito ang gobyerno na pataasin ang katutuhanan, integridad at panenerbisyo sa publiko kung saan sinabi pa nito na iaalay niya ang kanyang sarili at yaman para sabay-sabay na makamit ang tagumpay.

Samantala, pinasalamatan naman ni Marquez ang lahat ng mga sumuporta sa kanya kasama na si Banga Mayor Erlinda Maming kung saan nagtapos naman ang kanyang mensahe sa kanyang kilalang tinagang “Uwa it tawo nga ginaga-id sa kapobrehan” o “Walang taong iginagapos sa kahirapan.”

No comments:

Post a Comment