Posted July 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Sa inilunsad na Oplan Tokhang (Toktok Hangyo) ng Aklan
Provincial Office (APPO) sa ilalim ng Nationwide campaign ng PNP, boluntaryong
sumuko ngayon ang mga drug personalities sa probinsya.
Ayon kay PO3 Nida Gregas ng APPO Office, umabot na sa 139
ang mga nahuling pusher, user at pusher/user sa pamamagitan ng kanilang
pagkatok sa bawat bahay na nasa kanilang listahan ng drug personalities.
Ang ilan aniya sa mga ito ay boluntaryo mismong sumuko sa
kanila lalo na ang mga pangalang nasa drug watch list ng Aklan PNP.
Samantala, walumpu’t lima na ang nakatok na bahay ng mga
otoridad mula nang magsimula ang kampanyang Oplan Tokhang (Toktok Hangyo) noong
Hulyo a-uno, at ito naman ay magtatapos
sa Hulyo a-kinse taong kasalukuyan.
Nabatid na ang kampanyang ito laban sa iligal na droga ay
pinaigting pa sa ilalim nga ng bagong administrasyon at sa bagong upong Chief ng PNP na si Police
Director General Ronald Dela Rosa.
No comments:
Post a Comment