Thursday, July 07, 2016

Tindero sa Boracay, ini-reklamo matapos sipain ng kaaway ng pinsan

Posted July 8, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for police blotterReklamo ngayon ang inabot ng isang tindero sa Boracay PNP station matapos nitong sipain ang kaaway ng pinsan niya sa Sitio Ambulong, Manoc-manoc, Boracay.

Nakilala ang biktima na si Alibsar Zacaria, 43-anyos, residente ng Marina-ot, Marawi City habang ang suspek ay kinilalang si alyas Bata, isang tindero at kapwa nakatira sa nasabing lugar.

Salaysay ng biktima sa mga pulis, naka-upo umano ito sa bahay ng kanyang kaibigan habang hinihintay ang suspek para ayusin ang kanilang problema.

Ngunit, ng papalapit na ang suspek sa bikitima ay agad niya itong sinipa kung saan natamaan at nasaktan naman ang kaliwang paa ni Zacaria.

Hindi pa umano nakuntento ang suspek at binantaan pa nito ang biktima na papatayin.

Dahil dito, ay minabuting idulog ng biktima sa Boracay PNP ang insidente kung saan ini-refer naman ito ng mga pulis sa Brgy. Justice System ng Manoc-manoc.

No comments:

Post a Comment