Ipina-kulong
ngayon ng may-ari ng isang tindahan sa Sitio Cabanbanan, Manoc-manoc ang isang lalaki
matapos itong manggulo dahil hindi pinautang ng lapad.
Sa blotter report
ng Boracay PNP, inereklamo ng biktima na si Sakirah Mamismal, 30-anyos ang
suspek na si Rico Diones, 37-anyos, isang tricsycle driver itoy matapos
manggulo sa kanyang tindahan dahil hindi
niya ito pina-utang ng lapad.
Nabatid na nasa
ilalim umano ng nakakalasing na inumin ang suspek na pumunta sa tindahan ng
biktima para umatang ngunit, ng itoy kanyang tinanggihan, biglang nagalit at
nanggulo ang suspek sa lugar.
Dahil dito, idinulog naman ang reklamo sa Boracay PNP
kung saan ang suspek ngayon ay pansamantalang iki-nustodiya dahil sa kanyang
nagawang kasalanan.
No comments:
Post a Comment