Posted July 5, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ayon kay SB
member Nenette Aguirre Graf, sa pagbubukas umano ng sesyon ng Malay ay
tatalakayin nila ito at paiimbestigahan dahil sadya na umano itong
nakakabahala.
Ang naturang
aktibidad umanong ito ay delikado na dahil sa madami na ang naging biktima kung
saan ilan sa mga ito ay nawawalan pa umano ng memorya sa loob ng dalawang araw
at ang iba naman ay nagtamo ng dislocation sa paa, balikat at braso.
Nabatid na nais
ni Graf na matigil na aktibidad na ito upang maiwasan ang mga insidente
kabilang na ang iba pang mga aktibidad sa isla na sadyang dilikado sa mga
turista.
Matatandaang
hiniling rin ng BFRAV ng Boracay Action Group sa LGU Malay na e-regulate ang
aktibidad na ito dahil sa sunod-sunod nga na insidente.
No comments:
Post a Comment