Wednesday, July 06, 2016

Outpost na gagamiting opisina ng Maritime Police, sumailalim sa MOA signing

Posted July 6, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Photo Credit Rb Bachiller
Sumailalim ngayon sa Memorandum of Agreement o (MOA) signing sa pagitan nina Yapak  Brgy. Captain Hector Casidsid at BAG Consultant Leonard Tirol ang gagamiting Outpost ng Maritime Police sa nasabing lugar.

Inimbitahan din ang ilang miyembro ng BAG at Baranggay Council ng Yapak kasama si Special Assistant to the Mayor Rowen Aguirre para saksihan ang kasunduan.

Pinagusapan din ang pagtalaga o deployment ng Maritime Group sa Sitio Ilig-iligan para sa seguridad at kalinisan ng lugar.

Ang operational expenses ay susupotahan ng LGU kasama na ang bayarin sa kuryente, tubig at radio communications equipment.

Nabatid na dating Tourism Information Office ang gagamitin na outpost kung saan ito ay nasa bukana ng Puka Beach na unti-unti nang dinadagsa ng mga bumibisitang turista.

Ang inisyatibo na ito ay isang paraan para sa dagdag na seguridad ng Boracay pagkatapos ng mga serye ng pag-atake sa ilang lugar sa ibang bahagi ng mundo lalo na sa  mga tourist destination.

No comments:

Post a Comment