YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, July 07, 2016

Permit para sa Docking Facility sa Punta Bunga Boracay, muling pag-aaralan !

Posted July 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay        

Image result for illegal docking of boatIbinalik ngayon ang aplikasyon ng SMI Development Corporation sa pagkuha ng permit para sa construction ng Docking Facility sa Punta Bunga sa isla ng Boracay.

Ito ay para pag-aralang muli sa mga dapat na i-proseso sa pagkuha ng permit para ma-aprobahan ang kanilang kahilingan.


Nabatid na ito ang request ng SMI Development Corporation kay Aklan Governor Joeben Miraflores at sa Sangguniang Panlalawigan ng probinsya.

Sa panayam ng himpilang ito kay Jetty Port Administrator Niven Maquirang, nag-pulong na umano sila para tingnan ang mga dokumento at mga requirements ng SMI bago nila ito bigyan  ng permit.

Nabatid na nais ng kahilingang ito ay para sa direktang pag-transport ng kanilang mga bisitang magbabakasyon sa isla ng Boracay.

Samantala, sinabi naman ni Maquirang na hindi nila pinapayagan na mag-direct ang mga guest na bisita sa kanilang hotel na hindi dumadaan sa Caticlan Jetty Port kung saan magiging unfair daw umano  ito sa mga turistang kumukuha ng Environmental Fee.

Kaya naman isa ito sa mga nakikitang dahilan ni Maquirang na hindi muna bigyan ng permit ang naturang construction sa lugar.

Samantala, mahigpit parin nitong ipinapatupad ang “one entry” “one exit” policy sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment