Wednesday, July 06, 2016

Traffic Management Team bubuuin para sa isla ng Boracay

Posted July 6, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Sa layuning maayos ang nararanasang trapiko sa isla ng Boracay ay natakdang bumuo ng Traffic Management Team si Mayor Ceciron Cawaling.

Ayon kay Cawaling ito umano ay pamumunuan ni dating SB member Rowen Aguirre kung saan tutukan dito ang mga traffic re-routing sa Boracay.

Nabatid kasi na halos palagian na ang nangyayaring trapiko sa isla dahil na rin sa mga ginagawang construction sa kalsada.

Maliban dito tututukan din umano ni Cawaling ang mga nangyayaring pagbaha sa kalsada kahit walang ulan, illegal vendors at mga basura sa kalsada.

Samantala, nagsimula ng manungkulan ang bagong administrasyon ng bayan ng Malay nitong Huwebes kasabay ng isinagawang Inaugural Session.

No comments:

Post a Comment