Monday, July 04, 2016

BAG nanawagan sa publiko kaugnay sa sunod-sunod na insidente sa ibang bansa

Posted July 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay   
  
Dahil sa sunod-sunod na banta ng tirurismo sa ibang bansa nanawagan naman ngayon ang Boracay Action Group (BAG) sa mga stakeholders, komunidad at residente sa isla.

Ayon kay Commodore Leonard Tirol ng BAG, kailangan maging mapagmatyag umano sa lahat ng oras upang maiwasan ang mga nangyayaring nsidente kagaya sa Turkey at Paris France na may nangyaring mga pagpapasabog at nag-iwan ng maraming patay na tao.

Maliban dito nais ni Tirol na agad umanong isumbong sa mga otoridad sakaling mayroon silang mapansing kahina-hinalang galaw sa kanilang mga lugar.

Nabatid na sunod-sunod na bansa ngayon ang inaatake ng pagpapasabog ng mga aramadong kalalakihan.

No comments:

Post a Comment