Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muli na namang
naranasan ang sobrang haba ng pila ng mga pasahero sa Tambisaan Port sa
Manoc-Manoc kagabi.
Ito’y dahil sa hirap
na makadaong ang mga bangka sa dalampasigan dala ng low tide kung saan
paisa-isa nalang na bangka ang ginagamit sa pagpapasakay sa mga pasahero.
Dahil dito hindi
naman naiwasan na mainip ang ibang mga pasahero dahil sa tagal bago sila
makasakay kung saan karamihan sa mga ito ay turista at mga manggagawang tatawid
ng mainland.
Kaugnay nito
nananatili namang naka-antabay ang Philippine Coastguard sa lugar para sa seguridad
ng mga pasahero lalo na at masama ang panahon kagabi.
Ang Tambisaan
port ang siyang ginagamit sa tuwing malakasas ang alon sa Cagban at Caticlan
Jetty Port dahil sa umiiral na Habagat season.
No comments:
Post a Comment