Posted July 5, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagdala umano ng
pinsala ang multibillion-peso hydropower project sa reforestation area sa Barangay
Maria Cristina sa bayan ng Madalag ayon sa Provincial Environment and Natural
Resources Office (PENRO).
Ito ay
pagmamay-ari ng isang Chinese na Oriental Energy and Power Generation Corp. kung
saan nagtayo ito ng 18-megawatt Timbaban Run-off Hydropower Project.
Nabatid na
nagkakahalaga ang proyektong ito ng P4.5 billion kung saan sakop nito ang mga
barangay ng Galicia at Maria Cristina na ngayon ay halos 70 porsyento na itong
natatapos kung saan ang awtorisado ng konstraksyong ito ay ang Department of
Energy.
Ayon kay PENRO
chief Ivene Reyes, nagpadala na umano sila ng sulat sa LGU Madalag at sa
barangay officials para ipaabot sa kanila ang nasabing illegal na aktibidad na
ito sa area at gayon din ang paghingi ng kanilang suporta para matigil ang nasabing
aktibidad.
Napag-alaman din
na ang proyektong ito ay naka-apekto sa 1,500 katutubong tao sa bayan Madalag.
Nabatid na ang Oriental
Energy and Power Generation Corp. ay napabalita ring mag-demolish ng limang
kabayahan na pagmamay-ari ng mga indigenous people sa Barangay Maria Cristina.
No comments:
Post a Comment